Tuesday, October 26, 2010

First Date

Nakatuwaan ko lang i’share to kase kagabi nagkakwentuhan kaming apat—si mom and dad (sosyal! ‘nay at ‘tay lang talaga tawag namin sa kanila) kapatid ko at saka ako.. topic naming eh yung love story ng parents namin. Taz tawa kami ng tawa dun sa kwento tungkol sa first date nila. Parang pang’teleserye lang.. XD

Edi first date nga daw nila, second time palang nilang nag’meet kase pareho silang busy sa work. Pareho silang nasa Singapore kung san sila nagtatrabaho bilang OFWs at kung san din ako ginawa after 3yrs of their relationship.. J ah huh! Made in Singapore ako tsong.. :p Edi yon, getting to know each other ang drama na nauwi sa major’major away..yeah right! First date taz nag’away ng bonggang’bongga. Hindi nila nabanggit kung ano pinag’awayan nila at hindi na din ako nagtanong.


Edi sa galit ni ina sinabi nya na uuwi na daw sya. Nagpapahatid sya sa bus terminal dahil hindi pa niya masyadong kabisado ang pasikot-sikot ng Singapore. Katatapos lang nila mag-lunch nun.


Lalo naman nagalit si ina nung sabi ni itay sa kanya na:


“Pumunta ka mag-isa dito umuwi ka mag-isa”


Anlupit ng line ni itay..sa inis ko, ibinato ko sa kanya yung hawak kong unan. Like duh! Kawawa naman si inang mahal that time.. :D


Taz tawa naman sila ng tawa. Silang mag’asawa. Ang sarap hagisan ng daga. Cheeziness masyado! Hanggang ngayon ganyan pa din sila. Sweet.


Back to the story, edi umuwi naming luhaan si mudra. Nag-abang sya ng taxi sa daan. Bawat dumadaan lagging may sakay. Lagpas 30mins daw sya nag’aabang ng taxi hanggang sa may huminto. Napa’thank God’ daw ang lola niyo.


Pagbukas niya ng taxi, si daddy yow ang nakasakay with matching lines na “tara, sakay kana. Ihahatid kita sa tinitirhan nyo”


Sabay kaming napa ’yieehhh’ ng kapatid ko. Haha.


Ang lola niyo nagpakipot. Ayaw sumakay. Maghihintay na lang daw sya dun hanggang forever kesa magpahatid kay dad. :D


Sabi naman ni daddy yow sumakay na daw siya dahil nakakahiya sa driver. Nagpakipot pa sya ng mga one minute bago sumakay. Taz wala daw imikan sa taxi. Imagine a scene from your fave teleserye habang may LQ ang mga bida.. :D


Parang pang-teleserye lang talaga. Kaloka.


Moral lesson? I dunno..


yan sila noon..


eto sila ngayon.. :)


Monday, October 18, 2010

wala akong future sa pag'bblog.. :D

last kong post : June 11, 2010 (hahaha)


wala.tlaga cgurong di ko linya ang pagbblog..'ningas-kugon' ika nga..marami akong gustong isulat at i'post..na sa sobrang dami hindi ko alam ung anong uunahin ko..at lahat nasa isip ko lang..kinatatamaran kong isulat at i'type..hanggang blog'hopping lang 2loy ang nagagawa ko.. :D haha..tsk! pasensya..wala ako ma'contribute.. :)

Friday, June 11, 2010

FOR RENT : bata xD

Ang lungkot din pag walang bata sa bahay noh? Walang mapagtripan. Lol. Kaya kagabi, hiniram namin yung 3 y/o kong pinsan sa kabilang bahay. Sa bahay namin siya pinatulog.

Nung una ayaw niyang pumayag na sa amin matulog. pero nung sinuhulan ko ng limang piso, aba! ang kumag, pumayag (bata pa mukha ng pera, haha). Para hindi magyayang umuwi, binilhan naming siya ng candies tsaka isang malaking Lay’s (char! Haha) yung tigpipiso lang pala na tsitsiria. Chikito red to be specific. Maanghang para wag siya makarami. :p epektib! Hindi siya nagyaya pauwi. Nag-umpisa na ang maitim naming balak ng kapatid ko. Whahaha.

Unang trip. Phone call prank – nagrecord yung kapatid ko sa phone ko ng kunwaring tumatawag. Dahil bata, madali namin siyang napapapaniwalang may totoong tumatawag. Ang nangyaring pag-uusap ay ganito…

(Kapampangan w/ subtitles.. :p)

Play!

Phone (boses ng kapatid ko: hello carlo
Carlo: low
P: nukarin ka?
(nasaan ka?)
C: atiu tu teni (atiu ku keni) – buyoy siya.lol
(nandito ‘ko)
P: nukarin ya i papa mu?
(nasaan papa mo?)
C: ha?
(ha?)
P: nukarin ya i mama mu?
C: atiu ya bale
(nasa bahay siya)
P: magkanta ka pang tiktik-tilaok! (kantang pambata)
(kanta ka nga ng tiktik-tilaok)
Kanta naman siya…
C: tititilatok tabi ng manok
(tiktik-tilaok sabi ng manok)
Diting diting batang tulok
(gising gising batang tulog)
Ang alaw ay tumititap
(ang araw ay sumisikap)
Mga bulaklak ay bumubuta
(mga bulaklak ay bumubuka)

Rofl. Tawa talaga kami ng tawa habang siya nakatingin lang samin, nakikitawa. Kase naman otomatik siya kumanta. Masunuring bata. Pinalakpakan namin siya dahil sa matagumpay na pagpapasaya sa gabi namin. palakpak din siya sabay tawa.lol.

Phone prank #2 – boses uli ng kapatid ko via voice recorder pa rin..

P: hello carlo
C: oh!
P: nukarin ya i mama mu?
(nasaan mama mo?)
C: atiu bale (nakasmile siya)
(nasa bahay)
P: nukarin ya i mama mu?
C: atiu ya bale (magiliw pa din)
(nasa bahay siya)
P: nukarin ya i mama mu?
C: tiu ya pin bale! Ay! (mejo aburido na)
(nasa bahay nga! Ay!)
P: na?
(ha?)
C: tiu ya bale
P: na?
C: iiihhhh…atiu ya bale.. (nagkakamot na siya ng ulo)
P: nukarin ya pin i mama mu?
(nasaan nga mama mo?)
C: IIIHHHH!!! ATIU YA BALE!!! (nanggagalaiti, nanginginig, nanggigil na sigaw nung pinsan ko. Whahahaha)

Kami naman ng kapatid ko naiiyak na sa kakatawa. Sarap talaga pagtripan ng mga bata. Madami pa kaming ginawa sa kanya. Pinasayaw, pinakanta ng tiktiktilaok ng paulit-ulit hanggang sa magreklamo na siya. Enjoy much! :DD

Para naman maenergize, pinakain muna namin siya. Para hindi naman halatang kinawawa namin siya.

After kumain, pinag-enjoy naman namin siya. Hinayaan namin siyang maglaro ng plants vs. zombies kahit hindi siya marunong. Kaso nakalimutan naming i-off yung sound taz nakamaximize yung speaker namin. Nagulat tuloy siya dun sa creepy sound. (di po namin sinadya toh.lol.nakalimutan talaga namin i-off.. XD) Kung makikita mo lang yung mukha niya, mahihirapan ka magdecide kung tatawa ka o maaawa. Pinilit naming gawin yung huli, naawa kami sa kanya. inoff namin yung speaker. Kaso ayaw na niya maglaro. Inoff na din namin yung walang kwentang computer kase walang net. DC. Wala na kaming pambayad sa SmartBro.haha. kaya sorry sa pinsan ko, sa kanya nabunton ang naipon naming boredom…

Para mawala ang nerbyos niya, nilibang muna namin. Kaso ako yung napagod, wala na kong maisip na kalokohan. Nahiga na lang ako. Tutulog na ko. Kaso di ako makatulog. Kaya, operation anti-Bantay Bata mode.

Nagpatapik ako sa kanya sa likod, para makatulog ako. Nakahanap siguro siya ng chance na gumanti sa ‘kin, nilakasan niya ang pagtapik. Kaso, dahil bulinggit lang siya, imbes na masaktan ako, nag-enjoy pa ko.whahaha.

after ng ilang tapik…

C: matatit na tu damat (masakit na ku gamat)
(masakit na kamay ko) pobre! Whahaha

Isip ako ng iba niyang pakinabang. Nagpa-massage ako sa ulo. Kaso waepek. Walang pwersa. Isip uli ako iba. Aha!

Dumapa ako, taz pinalakad ko siya sa likod ko. Perfect! Nakakarelax.whahaha. siya naman hindi nagreklamo, nag-enjoy din siya kase akala niya naglalaro lang siya.



Saya talaga pag may bata sa bahay. May laruan ka na, may utusan na, may free massage pa. bongga! Hahahaha..

Gusto niyo rin ba siya i-rent?? Hahaha
Paalala: wag gagayahin sa harap ng matatanda. Siguraduhing wala ang mga magulang ng bata bago gawin ang mga masasamang balak.. :p

Friday, June 4, 2010

langya!!!!!!

habang nag-iisip ako kung anong ipopost ko..nakarating ang imahinasyon ko sa kung ano-ano kaya ang ginagawa ng ibang tao sa mga oras na to?

habang ako nagsusulat ng walang kakwenta-kwentang post, naisip ko din kung ilan kayang tao ang nasa kubeta ngayon at nagjejebs?

siguro sa mga oras na toh, may nag-aakyat-bahay, may nagtitrip na magshop-lift, meron din sigurong nasa 20th floor ng building para magpakamatay..

ano kaya ang ginagawa ngayon ni GMA? sinusulit na ba niya ang nalalabing oras para magnakaw maglingkod sa bayan?

siguro ngayon may nangungulangot, nagkakamot ng singit, nagbibilang ng buhok, dumidila ng siko, tumatumbling, umiiyak hanggang ngayon dahil hindi tanggap na patay na si mj..

ilan kaya sa mga oras na toh ang naglalabing-labing?(omg, tag-ulan na pa man din), ilan kaya ang naghihingalo? ilan kaya ang sumusubok lumipad? ilan kaya ang kumakausap sa sarili? at ilan kaya ang nag-aaksaya ng oras na isipin ang mga isiping iniisip ng isip ko? whahaha...





sensya na medyo bangag lang.. :DD

imitation is the sincerest form of flattery.. :))

gaya-gaya?, ako po yun..sowrey.. :)

eh tutal nagkapasa-pasahan na lang din naman, makikigaya na ko..

gusto ko din fill-up'an eh..ano ba? lol
hindi pla ako nkapagpaalam kay kuya jepoy na gagaya ako..haha..
sa kanya ko to unang nabasa, pero ni'reblog lang din daw niya.. :)


kya eto na yung sa'kin.. :)


Ten Favorite Foods

1. Spaghetti
2. tocino
3. sinigang na baboy
4. tinolang manok
5. kaldereta
6. atis
7. ginataang tulingan
8. sinaing na isda
9. crema de fruta
10. maja de blanca

Nine Things You want to do before you die

1. magpakayaman..whahaha
2. magkaroon ng scholarship program
3. magkaroon ng sariling villa, beach resort tsaka island (taas! XD)
4. makapag-tour around the world
5. makasal sa man of my dreams
6. magkaroon ng baby girl
7. magkaroon ng luxurious na mga gamit
8. i-kiss lahat ng crush ko pinoy, Taiwanese, Korean (sa cheeks lang)
9. makapag-sorry sa lahat ng nagawan ko ng di maganda

Eight things about yourself

1. selosa
2. suplada
3. tahimik/loner
4. madrama sa buhay
5. mahilig manood ng mga comedy-romance na movies
6. pag may crush ako sa isang guy, di ko pinapahalata
7. may masalimuot na lablayp..hahaha
8. tamad din sa lahat ng bagay, minsan pati sa pagkain


Seven Confessions

1. nakipag-break ako sa almost 4 yrs ko ng bf dahil hindi ko na siya ganun kamahal.. (ansama ko ba?) :c
2. grade conscious
3. napanood ko yung vid ni k.h. at h. k. w/ my friends (girls nman kami lahat :p)
4. hindi ako makapagmove-on
5. moody ako pag nasa bahay, pero pag nasa work super magiliw
6. nag-forge na ko ng pirma (pirma ng nanay ko. minor man na masasabi yun, di pa din dpat tularan.hahaha)
7. madami akong kras..as in madami..hahaha..pero isa lang naman lalabs ko.. :p


Six things you wanna say to Six different people

1. i love you
2. ang cute mo
3. sana maforgive mo ko
4. i'm so proud of you
5. please give me a hug
6. tara, gala tayo


Five ways to win my heart

1. magaling sumayaw
2. ligawan ako sa bahay
3. tatawagan ako pagkagising niya tsaka bago matulog
4. maganda yung mata
5. sweet


Four things that cross your mind

1. budget
2. work
3. bahay
4. pasukan


Three things you wish you never did

1. makipagclose sa kanya (malay ko ba kaseng maiinlababo ako?eh hindi pala pwede)
2. pasamain yung loob ng magulang ko
3. hindi mag-aral ng mabuti last sem (tsk!)


Two important things in your life

1. Family
2. Money


One thing you notice physically to an opposite sex
1. mata




yey, tapos nah.. :))
whahahaha..
ansaya naman.. :))
gawa ka din ng sayo para makilala ko pa kayo lalo.. :))















ciao

Thursday, June 3, 2010

Laglag Pustiso ni Ate..



tignan mabuti.. :DD











langya naman ate eh!!! pinasakit mo tyan ko sa kakatawa...hahaha.. :DD

Tuesday, June 1, 2010

di pwede

Siya na naman nasa isip ko
wala na bang iba? sawa na ko
pero ewan, hindi nagsasawa ang puso
pinapahirapan lagi si ako

pinipilit ko siyang kalimutan
pero buong sistema ko ang aking kalaban
buti pa nga ang iba dyan
panalo ang lablayp, naman!

nagiging emo na nga ako minsan
bitter pa kadalasan
hay, pana ni kupido nga naman
nakakabaliw, nakakamatay

lablayp ko tuloy ngayon, zero
napagtripan kase ni kupido
papana na lang hindi pa pulido
hindi pwede, pero tinamaan niya kami pareho

sa dinami-dami ng lalaki sa mundo
bakit pa kasi siya ang minahal ko
hindi naman sa nagrereklamo ako
kaso ang sakit na kase, nakakagago

nangyayari pala talaga ang ganito
mahal ka niya, siya rin mahal mo
pero tangna di pwede maging kayo
di ko tuloy alam kung anong gagawin ko

ano ba kase ang mali at tama?
sa taong inlab, uso pa ba?
lalaban pa ba o bawi na?
susulong pa ba o atras na?

ang problemang ito sa aking buhay
may mahalagang iniwang aral
aral na hindi lahat ng bagay
porke't gusto mo, pwede ng ipaglaban

Sunday, May 30, 2010

burger! burger! burger!

kuya saul krisna oh..dahil pay day ngayon..eto na burger mo..
















































enjoy eating..mgshare ka ha.. hehe.. :DD

Saturday, May 29, 2010

nalalapit nah..

malapit na naman ang pasukan..lapit na mag-back to normal ang buhay ko.. buhay working student..trabaho sa umaga, work sa hapon hanggang gabi.. ainaku.. :)

di bale, 1 year na lang nman.. :D

wish me luck.. :))

Friday, May 28, 2010

What 3 things do you think will become obsolete in the next ten years?

--courting (maybe hindi na aabutin ng ten years..mga 2 yrs nlang.. :p)
--falling seriously in love
--cellphones and other communication paraphernalia (people will just have a mind communication..bongga! :p)

Ask me anything

Thursday, May 27, 2010

Scared People 68 scenes





mga kawawang napag-tripan..hahaha..nabiktima din ba kayo ng mga pranks na toh?? :DD ako nadale na din ako ng vid na ganito..ang kaibahan nga lang, hindi ako na-video.. :p

Wednesday, May 26, 2010

Tacoma Narrows Bridge Collapse "Gallopin' Gertie"






nakita ko lang toh nung sinesearch ko yung bridge sa Russia na nabalita sa 24oras..
di ko lam kung totoo to or edited..pero prang hndi nman edited..pero bakit parang rubber lang yung bridge?..tsaka bkit hndi nagccrack nung una?..naamaze ako kase para lang talagang rubber lang na nagwe-wave..

sapul! :DD

i'll never regret that i loved him..
despite of the fact that he
was my worst mistake..

he brought me such pain and confusion
yet i kept holding on..

his countless betrayals were never
the reasons why i left..

call me a stupid for loving him up to now..

but it would never change
the reality that he's the only person
who can give me this such
ironic happiness..




napulot ko lang sa tabi-tabi.. ;)


Tuesday, May 25, 2010

taeng anak

hay..nakarinig nanaman ako ng mga hinaing ng mga magulang tungkol sa kanilang mga anak..

working student ako sa treasurer's office ng school namin
at ngayong araw na toh, may nagpuntang isang nanay.

pinapacheck niya kung nagbabayad ba ng Tuition Fee yung anak niya..
ayon, kinutuban na 'ko ng hindi maganda..
dahil trabaho ko yun, chineck ko nman..
tinignan ko yung registration card nung student..
awa ng Diyos, fully paid naman, binalikan ko yung nanay..
sinabi ko nga na bayad naman yung anak niya..

kaso, bago pala nagpunta samin yung nanay eh galing na siya sa Registrar's office,
dropped pala yung anak niya..
kaso ang policy ng school eh kailangan pa din bayaran yung Tuition Fee lalo na kung hindi nagpa-officially dropped at kung kalagitnaan na ng semester nag-dropped yung student..
at hindi na marerefund yung pera kung sakaling nag-cash payment..
sinabi ko yun sa nanay..

ayun, hindi kailang nanlumo yung matanda..
nakakaawa nga eh..
taz hindi niya napigilang magkwento..



>>22 yrs old na pala yung anak niya..
>>thrice na nag1st yr college
>1st course HRM -- dropped
>2nd course BSN -- dropped
>3rd course Educ -- dropped
--pero lahat fully paid..tsk! sayang yung mga ibinayad nila..imagine nawalan ng kwenta yung pinaghirapan ng parents nung walang modong anak! (di ko tuloy mapigilang mainis dun sa studyanteng yun)
>>caregiver daw si nanay
>>tagahugas ng pwet ng matatanda (that was accdg to her)
>>pero sa abot ng makakaya, pinipilit bigyan ng magandang edukasyon yung tae niyang anak (aww..huwarang ina talaga) taz ganun yung sukli? 3 times in a row na dropped?? asar lang eh!
>>tatlo daw yung anak niya, nagloko daw lahat sa pag-aaral (malas ba siya o malas??)


pagkatapos magkwento nakita ko yung nanay maluha-luha talaga..kaso ano ba kasing magagawa ko? kundi murahin sa isip yung anak niya..tsk! grabe nga yung pagpipigil ko na sabihing wag na papag-aralin yung anak niya eh..pero siya na mismo yung nagpadali ng sitwasyon kong pigil mode..sabi niya hindi na daw niya pag-aaralin yung anak niya.. (good! sabi ko sa isip ko..haha)


bakit naman kase may mga naimbento pang ganitong klase ng anak? mabigat talaga yung dugo ko sa mga ganitong tao..hindi marunong mag-appreciate ng sufferings & sacrifices ng mga parents nila..kakaimbyerna talaga..

sabi ko nga sa dati kong post -- please love your parents guys..P L E A S E .. someday magiging parents din kayo..at masakit pag sa inyo nangyari yan..ayaw mo nman cguro makarma di ba? ;)

Monday, May 24, 2010

new word for the day.. :))

jemopalogs

short for jejemon na epal na jologs
mga nakakainis na taong nakakasalamuha mo araw-araw

j3j3m0wnzZ - putik magtext, magsalita, mgtype ng words at pumorma

epal - Magmula sa salitang "Mapapel" na tumutukoy sa taong nagpapapansin o nagmamarunong, o sa taong sumasagot ng hindi naman tinatanong, binaliktad ng mga Jeproks ang salitang "Mapapel" nung 70's dahil yun yung uso nun, at naging "Mapepal". Sa pagtagal ay nawala ang unang "p" at naging "Maepal". At nung nauso naman ang pagpapaiksi ng mga salita nung 90's ay inampon na ng mga Pilipino ang salitang "Epal" sa pang araw-araw na buhay.. (haha, from mga epal dot com)

jologs - self explanatory.. :DD

nakakaimbyerna na nga sila individually, pano pa kaya pag 3 in 1? join forces ng nakakalokang pipz..gudluck pag nakaencounter ka ng ganyan,, :DD




Saturday, May 22, 2010

iba't-ibang uri ng mga sisterettes nating gays.. :))

mga Ms. Congeniality - friend ng lahat, madaling pakisamahan, kahit sino kaya niyang pakibagayan coz she knows when to crack a joke and when to be serious.. :)

mga Echuserang Frog - syempre kung may friendly, meron ding mga echusera..grabe manglait hindi naman kagandahan!! eto yung mga insecure na paang tinubuan ng mukha..excuse me po..sabi nga, hindi po ako nanlalait, nagdedescribe lang.. :p kase naman mga feelingera eh hindi naman maganda..nakakaimbyerna..

mga Beauty Queens - hanep sa ganda, pang- beauty queen talaga..natural ang beauty nila..kaloka! mas mga mukha pang babae kesa sa 'kin.. >.< wag lang magsasalita, para wag mahalata.. :D

mga I Love You Doc - mga Echuserang Frog turned into Beauty Queens..mga biglang ganda..usually mayayaman ang mga i-love-you-docs na itech..kaya keri mag-tranformers.. :))

mga Green Clowns - eto yung mga baklang masarap kasama..hindi ka maiinip sa mga banat nila..hindi nauubusan ng kalokohan..mga tipong hindi naman nagpapatawa pero mamatay-matay kana sa kakatawa..parental guidance nga lang kase kulay berde sila.. :D

mga Wow Mali - akala ko bakla, babae pala..

mga Deniables - todo deny, obvious naman..bkit hindi na lang sila maging proud sa kung ano sila diba? kesa ipagduldulan nilang hindi sila sister, halata naman ng bonggang bongga! :DD

mga Mah Meyn - kahit anong gawin nila, ewan ko ba, pero mukha pa rin talaga silang lalaki.. :p siguro dahil malaki yung katawan nila, pang-construction workers..

mga Prof Genii - wag mo sila iismolin, hindi ka nila uurungan kung utak lang ang paglalabanan.. mga nakaka-intimidate slash nakakabilib slash nakakainspire na mga bakla..mga professionals kase sila at talaga namang hanep sa IQ level..oww meyn!! i salute you!! :)



no offense please.. i love gays, i really do.. except kay echuserang frog.. :p


Friday, May 21, 2010

para sa mga pobreng magulang na iniwan ng mga anak nila.. :c



Bakit kaya ganito ang aking kapalaran?
Hindi ko alam, saan ba ako nagkulang?
Lahat naman ay ginawa at sa iyo'y inialay
Bakit ako'y iyong iniwan at pinabayaan?

Buti pa noong ika'y inaalagaan pa lamang
Hindi ka nagagalit, walang kibo at di nagdaramdam
Buti pa dati ika'y aking nasusubaybayan
Di tulad ngayon, sabi mo wala na akong karapatan

Hindi ko man lang naramdaman ang iyong pagmamahal
Hindi man lang kita nayakap bago mo ko iwan
Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa mga kasalanan
Bigla ka na lang umalis at nang-iwan

Ngayong nalalapit na ang aking huling sandali
Hindi mo ako dinamayan pagkat iba ang iyong pinili
Huli kong hiling sana ika'y aking mayakap
Iyon lang, ay higit pa sa sapat

Salamat sa Diyos at pinagbigyan ang aking hiling
Ilang saglit bago Niya ako bawiin
Ika'y humahangos at nagdadalamhating dumating
Ramdam ko ang iyong pagsisisi at di alam ang gagawin

Ito'y sapat na para ako'y pumikit ng may ngiti sa labi
Lalo na nang sambitin mo ang "Inay mahal kita, Sorry"



please love your parents, sila lang kase yung kaya ka talagang mahalin kahit ano ka pa..sila yung magtatanggol sa'yo pag lahat sila inaaway ka,,sila yung tutulong sa'yo pag lahat ng kaibigan mo tinalikuran ka..at sila yung dadamay sa'yo pag lahat walang panahon para puntahan ka..please value them as much as you value yourself..no other love is greater than the love of our parents -- next to God syempre..wag ka sanang sumunod sa yapak ng maraming taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob..remember, it was one of the commandments..show them your love habang nandyan pa sila..kase nga pag wala na sila, kahit ilang baldeng luha ang ialay mo sa kanya, wala na lahat kwenta yon, kahit isigaw mo magdamag yung mga katagang gustong gusto niya sanang marinig kung nabubuhay lang siya hindi na yon makakarating sa kanya, at kahit yung pinakamalaking flowershop sa Pilipinas yung bilhin mo, hindi na niya maappreciate yun..wag mong hayaang magsisi ka sa mga bagay na nagawa mo at manghinayang sa mga bagay na hindi mo nagawa para sa kanya..

kung may gusto kang gawin,,you need to do it now..baka wala ng bukas..

Godbless po.. :))

awww...i miss batangas so much .. :(

isn't he adorable?? cute nia noh?
xyempre mana sa ninang.. :p
inaanak slash pinsan ko yan..
i miss him much much..
eto yung pinakalove ko sa lahat ng inaanak ko (favoritism eh noh? sorry, i just can't deny the fact that he is indeed my most beloved :p )
halos half a year ko na siya di nakikita..dalang kasi namin umuwi ng Batangas eh..asar..



this was taken bout a year ago..
nung papunta kami sa bahay ng tita namin..
kailangan kasing maglakad ng malayo at magsuot sa magubat na daan para makapunta dun..
yeah!, sa bundok yung bahay namin sa Batangas,, :)
at pag nandun kana sa mataas na part ng lugar eh ganyan kaganda yung view..nakakawala talaga ng pagod.. :))









charan!! yan ang sinasabi kong magubat na daan.. :DD
pero masaya.. :)
buti na lang wala kaming natyempuhang ahas 0_o










eto din ay kuha nung nasa bandang taas na kami..
sarap mag-stay dyan..
lakas ng hangin.. :)
oh em gee, kakamiss talaga..








oh diba probinsyang probinsya ang dating? :))









sa harapan ng bahay namin sa Batangas.. :))











favorite food ko..ginataang tulingan..weeeeh... :)







Sigh.. i really missed the ambiance there..i simply love Batangas more! i love the scenery, the chirping birds, the fresh air, the people and everything about it..pag nandun ako, parang narereformat yung utak ko..haha..nakakarefresh kase lalo na pag galing ka sa city taz madaming iniisip..the best ang umuwi sa province para mag-unwind.. ;)

hanep.. :))

video


hanep talaga bumanat si pareng Jovit..i love his voice..ilang beses ko na pinanuod mga video niya pero lagi pa rin ako nangingilabot -- excuse me hndi ako natatae :p for me, he's even better kesa sa mga original versions ng mga kinakanta niya..sana lang he would maintain his humbleness kase dun siya minahal ng tao..sana din manalo siya sa PGT..he is the Batangas pride..probinsiya pa nman nmin yun..

"proud na proud ako sayo ... destiny mo ang sumikat ... --Ai Ai delas Alas"
"you are the male Charice Pempengco... -- Kris Aquino"

"you continue to amaze me .. -- boss :)) "

enigma

Drown in deep sorrow and in so much pain
In the midst of darkness, I still remain
There's no one left but an empty me in vain
Waiting my grievance will be taken away by the rain

My mind was stuck on the thoughts of you
Can't help thinking what will happen next to me and you
I'm in a deep chaos and just trying to accept what is due
For this love may not seem to last even if it's true

Fight or succumb i don't know what to choose
Afraid that in this battle we lose
But living without you is like hanging on a noose
Or like being struck by the lightning bolt of Zeus

This enigma is provoking me to yield
To put down my sword in the battlefield
To surrender my armor and even my shield
Frustration and regrets, my heart will be filled

Maybe this heart of mine was destined to suffer
Suffering a lot because there's no chance of 'us' forever
I can't go with the flow in this world of panther
Fierce, strong & cruel that without you I can't conquer


own composition.. :))

Thursday, May 20, 2010

whoa!! ang init sa Pilipinas..tae!!

hindi ko talaga maiwasang magreklamo everytime na lalabas ako!! soooobraaaaaaang ineeeeeet!! alam mo yun? kahit na nakapayong ka na tagos pa rin ung init..para ka lang nasa hell..err!! >.< tulad ng tanong ng marami -- kailan ba talaga magiging centralized ang buong Philippines?? :DD asa naman kame!! :P wish ko lang din..

Wednesday, May 19, 2010

first short story.. :))

"Hi tol!", si Garnett..

name
: Garnett Dave Rodriguez
nickname: Garnett
height : 5'8"
age
: 21
course : Civil Engineering, Senior
gender : straight guy.. :))
crush
: secret




"Oh tol!", si Nick..



name
: Sophia Nicole Zamora
nickname: Nick
height : 5'5"
age
: 20
course : Civil Engineering, Senior
gender : (boy astig according to her)
crush
: si Nerissa, ang muse ng department nila







--they were best buds.. :))

"Nakita kong dumaan si Nerissa kanina ah", sabi ni Garnett
"Talaga? San pre? bakit di mo ko tinawag? Labo naman nito oh!"
"Busy ka kase sa iba mong chicks eh!"
"May transferee kase dito sa campus. Nagpakilala lang ako."
"Hay, talaga to oh! madami ka pang chikas sa 'kin ah. kailan ka ba magiging one of them? Kung tutuusin eh mas maganda ka pa sa mga yun eh tol! Maging babae ka lang, top 1 ako sa mga applicants mo!" , sabay kindat nito kay Nick.
"Ulul! dream on tol! eeww! *with matching pilantik ng mga daliri sa ere* iwan na nga muna kita dyan. hahabulin ko lang si Neri. Bye!

kinabukasan..
"Tol tara sa canteen, treat kita!", yaya ni Nick kay Garnett
"Ahm tol, next time na lang. Mag-iinquire ako sa registrar's office eh."
"Ah, samahan na kita"
"Hindi wag na, baka mainip ka lang dun"
"Ah sige tol." 'nu nangyari dun? dati naman kahit ayaw kong sumama siya pa mismo hihila sa 'kin kung saan'


Sembreak..

--1 wik kna di pramdam ah, dka rply sa txts q..prob?txtbk-- *text ni Nick kay Garnett*
...no reply...
...tawag...
...no answer...

"Gago yun ah..nu kaya problema ng ungas na toh?", si Nick
--ui, umiiwas kba? kita tayo bks sa tmbayan. 5 pm.. hintay kita..--

teten! teten! *1 message received - read*

--may lkad aq tom,mybe some othr tym-- Garnett


* * *

Sa tambayn kinabukasan..pumunta pa din si Nick..Nagbakasakali na sisiputin siya ni Garnett..higit-kumulang dalawang oras na siyang nandon pero walang garnett na dumadating..Bagkus ay dalawang lalaking mukhang walang gagawing matino ang lumapit sa kanya..

"Hi miss beautiful!", sabi ng isa sa mga lalaki
"Gagu! Beautifulin mu mukha mo!", paangas niyang sabi.
"Angas pare ah! Tibo ka? Sa ganda mong yan?", sabat naman ng isa
"oo tanga! at hinihintay ko girlfriend ko dito kaya pwede ba umalis na kayo!"
"haha!..walang tomboy-tomboy sa 'min miss..may magagawa ka ba kung ayaw namin umalis?", nagtinginan ang mga ito at ngumising parang aso..

Lumapit ang mga ito sa kanya..napaatras siya ngunit na-corner na siya ng mga ito..bumilis ang tibok ng puso niya. Kahit papano babae pa din siya..at wala siyang laban sa dalawang lalaki. Napalinga siya sa paligid..walang tao dahil medyo tago ang tambayan nila..Hinawakan siya ng isa sa kanyang balikat, madiin..tangkang hahalikan na siya nito nang biglang..

*baaaaag!*

"Gago ka! Bitawan mo bestfriend ko kung gusto mo pa mabuhay!!", si Garnett

Napahiga sa semento ang nakasalo sa malakas na suntok na 'yon ng kanyang bestfriend..ilang sandali pang nakipagpalitan ng suntok si Garnett sa dalawang goons hanggang sa bumagsak ang mga ito sa sahig sanhi marahil ng mga suntok na natamo at idagdag pa ang kalasingan..mabilis lumapit sa kanya ang kaibigan at niyakap siya..Napayakap na rin siya dito at humagulgol ng iyak..

"Tanga ka! bakit ngayon ka lang?", sigaw ni Nick sa binata
"Shhh..Sorry na. Actually kanina pa ko dun sa likod ng poste eh"

*baaagg!*

"What the??!", gulat na daing ni Garnett
"Gago ka! Kanina ka pa nandon?! Hinayaan mo lang akong pagpyestahan ng mga lamok at muntik ng mamatay sa nerbyos dahil sa dalawang lalaking yan??!"
"Sorry na nga..may tumawag kase sa phone ko kaya dumistansya muna ko para sagutin yung tawag..mabilis namang nakasalisi tong hayop na mga to! Muntik ka pang gawan ng masama!"

*baaaagg!* isa pa uling suntok

"Ano ba?? Yan ba ang igaganti mo sa pagtulong ko sayo? Tsaka bakit ka ngayon suntok ng suntok? Bakit hindi mo pinagana yan kanina?", angil ni Garnett sa dalaga

*Umiyak naman si Nick*

"Langya ka pala eh noh?! Kasalanan mo kaya muntik na kong----", natigilan si Nick

oh em gee!! He kissed me!!

*shocked and amazed of the great feeling she felt..*

"Sophia Nicole Zamora, I'm sorry okay?" he kissed her again..
"And I love you", si Garnett pa rin..

Natulala siya..pakuwa'y naluha at yumakap kay Garnett..

"A-akala ko k-kaya kong ipagtanggol mag-isa ang sarili ko.. Akala ko matapang ako.. Akala ko kaya ko lahat..But I'm totally wrong! Ang sarap pala sa pakiramdam na may nagtatanggol sa'yo sa oras na mahina ka..Kailangan ko pala ng taong magpaparamdam sa 'kin na mahina ako pero nandyan siya para protektahan ako..Kailangan pala kita sa buhay ko Garnett!", sa garalgal na boses dahil sa pag-iyak na sabi ni Nick..

"Hay Nick! Come here.", niyakap niya ito and kissed her again..

*baaaaaagg* isang malakas na suntok nanaman

"Gago!! Mag-aadjust pa ko"

*tawanan*



--THE END--

;p

Tuesday, May 18, 2010

bago..

ayun..bago lang profile koh..na-inspire ako gumawa dhil dun sa isang blog na nabasa ko..at eto na..meron na din ako.. :DD i don't really know kung anong dpat isulat..di ko nga alam kung panu simulan.. pero sana one of these days makaisip na ko ng magandang topic para sa next post ko.. :))