Tuesday, October 26, 2010

First Date

Nakatuwaan ko lang i’share to kase kagabi nagkakwentuhan kaming apat—si mom and dad (sosyal! ‘nay at ‘tay lang talaga tawag namin sa kanila) kapatid ko at saka ako.. topic naming eh yung love story ng parents namin. Taz tawa kami ng tawa dun sa kwento tungkol sa first date nila. Parang pang’teleserye lang.. XD

Edi first date nga daw nila, second time palang nilang nag’meet kase pareho silang busy sa work. Pareho silang nasa Singapore kung san sila nagtatrabaho bilang OFWs at kung san din ako ginawa after 3yrs of their relationship.. J ah huh! Made in Singapore ako tsong.. :p Edi yon, getting to know each other ang drama na nauwi sa major’major away..yeah right! First date taz nag’away ng bonggang’bongga. Hindi nila nabanggit kung ano pinag’awayan nila at hindi na din ako nagtanong.


Edi sa galit ni ina sinabi nya na uuwi na daw sya. Nagpapahatid sya sa bus terminal dahil hindi pa niya masyadong kabisado ang pasikot-sikot ng Singapore. Katatapos lang nila mag-lunch nun.


Lalo naman nagalit si ina nung sabi ni itay sa kanya na:


“Pumunta ka mag-isa dito umuwi ka mag-isa”


Anlupit ng line ni itay..sa inis ko, ibinato ko sa kanya yung hawak kong unan. Like duh! Kawawa naman si inang mahal that time.. :D


Taz tawa naman sila ng tawa. Silang mag’asawa. Ang sarap hagisan ng daga. Cheeziness masyado! Hanggang ngayon ganyan pa din sila. Sweet.


Back to the story, edi umuwi naming luhaan si mudra. Nag-abang sya ng taxi sa daan. Bawat dumadaan lagging may sakay. Lagpas 30mins daw sya nag’aabang ng taxi hanggang sa may huminto. Napa’thank God’ daw ang lola niyo.


Pagbukas niya ng taxi, si daddy yow ang nakasakay with matching lines na “tara, sakay kana. Ihahatid kita sa tinitirhan nyo”


Sabay kaming napa ’yieehhh’ ng kapatid ko. Haha.


Ang lola niyo nagpakipot. Ayaw sumakay. Maghihintay na lang daw sya dun hanggang forever kesa magpahatid kay dad. :D


Sabi naman ni daddy yow sumakay na daw siya dahil nakakahiya sa driver. Nagpakipot pa sya ng mga one minute bago sumakay. Taz wala daw imikan sa taxi. Imagine a scene from your fave teleserye habang may LQ ang mga bida.. :D


Parang pang-teleserye lang talaga. Kaloka.


Moral lesson? I dunno..


yan sila noon..


eto sila ngayon.. :)


Monday, October 18, 2010

wala akong future sa pag'bblog.. :D

last kong post : June 11, 2010 (hahaha)


wala.tlaga cgurong di ko linya ang pagbblog..'ningas-kugon' ika nga..marami akong gustong isulat at i'post..na sa sobrang dami hindi ko alam ung anong uunahin ko..at lahat nasa isip ko lang..kinatatamaran kong isulat at i'type..hanggang blog'hopping lang 2loy ang nagagawa ko.. :D haha..tsk! pasensya..wala ako ma'contribute.. :)