Siya na naman nasa isip ko
wala na bang iba? sawa na ko
pero ewan, hindi nagsasawa ang puso
pinapahirapan lagi si ako
pinipilit ko siyang kalimutan
pero buong sistema ko ang aking kalaban
buti pa nga ang iba dyan
panalo ang lablayp, naman!
nagiging emo na nga ako minsan
bitter pa kadalasan
hay, pana ni kupido nga naman
nakakabaliw, nakakamatay
lablayp ko tuloy ngayon, zero
napagtripan kase ni kupido
papana na lang hindi pa pulido
hindi pwede, pero tinamaan niya kami pareho
sa dinami-dami ng lalaki sa mundo
bakit pa kasi siya ang minahal ko
hindi naman sa nagrereklamo ako
kaso ang sakit na kase, nakakagago
nangyayari pala talaga ang ganito
mahal ka niya, siya rin mahal mo
pero tangna di pwede maging kayo
di ko tuloy alam kung anong gagawin ko
ano ba kase ang mali at tama?
sa taong inlab, uso pa ba?
lalaban pa ba o bawi na?
susulong pa ba o atras na?
ang problemang ito sa aking buhay
may mahalagang iniwang aral
aral na hindi lahat ng bagay
porke't gusto mo, pwede ng ipaglaban
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hindi pwedeng ipilit lahat ng bagay, hindi porket matulis lulusot sa sa pader ng walang butas.
ReplyDelete