Friday, June 11, 2010

FOR RENT : bata xD

Ang lungkot din pag walang bata sa bahay noh? Walang mapagtripan. Lol. Kaya kagabi, hiniram namin yung 3 y/o kong pinsan sa kabilang bahay. Sa bahay namin siya pinatulog.

Nung una ayaw niyang pumayag na sa amin matulog. pero nung sinuhulan ko ng limang piso, aba! ang kumag, pumayag (bata pa mukha ng pera, haha). Para hindi magyayang umuwi, binilhan naming siya ng candies tsaka isang malaking Lay’s (char! Haha) yung tigpipiso lang pala na tsitsiria. Chikito red to be specific. Maanghang para wag siya makarami. :p epektib! Hindi siya nagyaya pauwi. Nag-umpisa na ang maitim naming balak ng kapatid ko. Whahaha.

Unang trip. Phone call prank – nagrecord yung kapatid ko sa phone ko ng kunwaring tumatawag. Dahil bata, madali namin siyang napapapaniwalang may totoong tumatawag. Ang nangyaring pag-uusap ay ganito…

(Kapampangan w/ subtitles.. :p)

Play!

Phone (boses ng kapatid ko: hello carlo
Carlo: low
P: nukarin ka?
(nasaan ka?)
C: atiu tu teni (atiu ku keni) – buyoy siya.lol
(nandito ‘ko)
P: nukarin ya i papa mu?
(nasaan papa mo?)
C: ha?
(ha?)
P: nukarin ya i mama mu?
C: atiu ya bale
(nasa bahay siya)
P: magkanta ka pang tiktik-tilaok! (kantang pambata)
(kanta ka nga ng tiktik-tilaok)
Kanta naman siya…
C: tititilatok tabi ng manok
(tiktik-tilaok sabi ng manok)
Diting diting batang tulok
(gising gising batang tulog)
Ang alaw ay tumititap
(ang araw ay sumisikap)
Mga bulaklak ay bumubuta
(mga bulaklak ay bumubuka)

Rofl. Tawa talaga kami ng tawa habang siya nakatingin lang samin, nakikitawa. Kase naman otomatik siya kumanta. Masunuring bata. Pinalakpakan namin siya dahil sa matagumpay na pagpapasaya sa gabi namin. palakpak din siya sabay tawa.lol.

Phone prank #2 – boses uli ng kapatid ko via voice recorder pa rin..

P: hello carlo
C: oh!
P: nukarin ya i mama mu?
(nasaan mama mo?)
C: atiu bale (nakasmile siya)
(nasa bahay)
P: nukarin ya i mama mu?
C: atiu ya bale (magiliw pa din)
(nasa bahay siya)
P: nukarin ya i mama mu?
C: tiu ya pin bale! Ay! (mejo aburido na)
(nasa bahay nga! Ay!)
P: na?
(ha?)
C: tiu ya bale
P: na?
C: iiihhhh…atiu ya bale.. (nagkakamot na siya ng ulo)
P: nukarin ya pin i mama mu?
(nasaan nga mama mo?)
C: IIIHHHH!!! ATIU YA BALE!!! (nanggagalaiti, nanginginig, nanggigil na sigaw nung pinsan ko. Whahahaha)

Kami naman ng kapatid ko naiiyak na sa kakatawa. Sarap talaga pagtripan ng mga bata. Madami pa kaming ginawa sa kanya. Pinasayaw, pinakanta ng tiktiktilaok ng paulit-ulit hanggang sa magreklamo na siya. Enjoy much! :DD

Para naman maenergize, pinakain muna namin siya. Para hindi naman halatang kinawawa namin siya.

After kumain, pinag-enjoy naman namin siya. Hinayaan namin siyang maglaro ng plants vs. zombies kahit hindi siya marunong. Kaso nakalimutan naming i-off yung sound taz nakamaximize yung speaker namin. Nagulat tuloy siya dun sa creepy sound. (di po namin sinadya toh.lol.nakalimutan talaga namin i-off.. XD) Kung makikita mo lang yung mukha niya, mahihirapan ka magdecide kung tatawa ka o maaawa. Pinilit naming gawin yung huli, naawa kami sa kanya. inoff namin yung speaker. Kaso ayaw na niya maglaro. Inoff na din namin yung walang kwentang computer kase walang net. DC. Wala na kaming pambayad sa SmartBro.haha. kaya sorry sa pinsan ko, sa kanya nabunton ang naipon naming boredom…

Para mawala ang nerbyos niya, nilibang muna namin. Kaso ako yung napagod, wala na kong maisip na kalokohan. Nahiga na lang ako. Tutulog na ko. Kaso di ako makatulog. Kaya, operation anti-Bantay Bata mode.

Nagpatapik ako sa kanya sa likod, para makatulog ako. Nakahanap siguro siya ng chance na gumanti sa ‘kin, nilakasan niya ang pagtapik. Kaso, dahil bulinggit lang siya, imbes na masaktan ako, nag-enjoy pa ko.whahaha.

after ng ilang tapik…

C: matatit na tu damat (masakit na ku gamat)
(masakit na kamay ko) pobre! Whahaha

Isip ako ng iba niyang pakinabang. Nagpa-massage ako sa ulo. Kaso waepek. Walang pwersa. Isip uli ako iba. Aha!

Dumapa ako, taz pinalakad ko siya sa likod ko. Perfect! Nakakarelax.whahaha. siya naman hindi nagreklamo, nag-enjoy din siya kase akala niya naglalaro lang siya.



Saya talaga pag may bata sa bahay. May laruan ka na, may utusan na, may free massage pa. bongga! Hahahaha..

Gusto niyo rin ba siya i-rent?? Hahaha
Paalala: wag gagayahin sa harap ng matatanda. Siguraduhing wala ang mga magulang ng bata bago gawin ang mga masasamang balak.. :p

8 comments:

  1. hahaha.tamang trip kayo sa bata ah.buti sana kung tulad nya ang batang makukuha, yung masunurin. e kung pasaway.hay naku!!! parang pamangkin ko pasaway.tsk tsk

    ReplyDelete
  2. bute pa yung pinsan mo masunurin. Yung pamangkin ko kasi bugn utin. >.< pero anyways ang sarap talaga pagtripan ng mga bata lalo na yung tatakutin mo haha :] nakaktawa mga facial expressions nila eh :]

    ReplyDelete
  3. wahahaha:)))) ang kyut naman, ansarap talaga mang trip ng mga bata, gawain ko din yan dati...kaso lang wala ng baby...hehe:)) pwede po bang mahiram si carlo pag minsan?haha

    ReplyDelete
  4. nyahhaha.. ang saya pag may bata sa bahay neh?? haha..
    gawain ko din yan sa paborito kong pamangkin... ung uutusan.. lalambingin pagkatapos gugulatin at tatakutin..nyahaha... addik lang!.. haha..:D

    ReplyDelete
  5. masaya talaga kapag may bata sa bahay. kung ano anong trip nyo ah. hehhee, pag laki nyan kayo sasakay sa trip nyan. haha

    ReplyDelete
  6. wahahaha....nice....iba talaga kapag may makulit na bata sa hauz...^_*

    ReplyDelete
  7. hahaha. pag-tripan ba. :-)

    http://ficklecattle.blogspot.com/

    ReplyDelete
  8. Hala child labor yan o! lol. Baka mabantay bata kayo nyan hahaha...

    Parang gusto ko na tuloy magkaroon ng anak. LOL.

    ReplyDelete