Sunday, May 30, 2010

burger! burger! burger!

kuya saul krisna oh..dahil pay day ngayon..eto na burger mo..
















































enjoy eating..mgshare ka ha.. hehe.. :DD

Saturday, May 29, 2010

nalalapit nah..

malapit na naman ang pasukan..lapit na mag-back to normal ang buhay ko.. buhay working student..trabaho sa umaga, work sa hapon hanggang gabi.. ainaku.. :)

di bale, 1 year na lang nman.. :D

wish me luck.. :))

Friday, May 28, 2010

What 3 things do you think will become obsolete in the next ten years?

--courting (maybe hindi na aabutin ng ten years..mga 2 yrs nlang.. :p)
--falling seriously in love
--cellphones and other communication paraphernalia (people will just have a mind communication..bongga! :p)

Ask me anything

Thursday, May 27, 2010

Scared People 68 scenes





mga kawawang napag-tripan..hahaha..nabiktima din ba kayo ng mga pranks na toh?? :DD ako nadale na din ako ng vid na ganito..ang kaibahan nga lang, hindi ako na-video.. :p

Wednesday, May 26, 2010

Tacoma Narrows Bridge Collapse "Gallopin' Gertie"






nakita ko lang toh nung sinesearch ko yung bridge sa Russia na nabalita sa 24oras..
di ko lam kung totoo to or edited..pero prang hndi nman edited..pero bakit parang rubber lang yung bridge?..tsaka bkit hndi nagccrack nung una?..naamaze ako kase para lang talagang rubber lang na nagwe-wave..

sapul! :DD

i'll never regret that i loved him..
despite of the fact that he
was my worst mistake..

he brought me such pain and confusion
yet i kept holding on..

his countless betrayals were never
the reasons why i left..

call me a stupid for loving him up to now..

but it would never change
the reality that he's the only person
who can give me this such
ironic happiness..




napulot ko lang sa tabi-tabi.. ;)


Tuesday, May 25, 2010

taeng anak

hay..nakarinig nanaman ako ng mga hinaing ng mga magulang tungkol sa kanilang mga anak..

working student ako sa treasurer's office ng school namin
at ngayong araw na toh, may nagpuntang isang nanay.

pinapacheck niya kung nagbabayad ba ng Tuition Fee yung anak niya..
ayon, kinutuban na 'ko ng hindi maganda..
dahil trabaho ko yun, chineck ko nman..
tinignan ko yung registration card nung student..
awa ng Diyos, fully paid naman, binalikan ko yung nanay..
sinabi ko nga na bayad naman yung anak niya..

kaso, bago pala nagpunta samin yung nanay eh galing na siya sa Registrar's office,
dropped pala yung anak niya..
kaso ang policy ng school eh kailangan pa din bayaran yung Tuition Fee lalo na kung hindi nagpa-officially dropped at kung kalagitnaan na ng semester nag-dropped yung student..
at hindi na marerefund yung pera kung sakaling nag-cash payment..
sinabi ko yun sa nanay..

ayun, hindi kailang nanlumo yung matanda..
nakakaawa nga eh..
taz hindi niya napigilang magkwento..



>>22 yrs old na pala yung anak niya..
>>thrice na nag1st yr college
>1st course HRM -- dropped
>2nd course BSN -- dropped
>3rd course Educ -- dropped
--pero lahat fully paid..tsk! sayang yung mga ibinayad nila..imagine nawalan ng kwenta yung pinaghirapan ng parents nung walang modong anak! (di ko tuloy mapigilang mainis dun sa studyanteng yun)
>>caregiver daw si nanay
>>tagahugas ng pwet ng matatanda (that was accdg to her)
>>pero sa abot ng makakaya, pinipilit bigyan ng magandang edukasyon yung tae niyang anak (aww..huwarang ina talaga) taz ganun yung sukli? 3 times in a row na dropped?? asar lang eh!
>>tatlo daw yung anak niya, nagloko daw lahat sa pag-aaral (malas ba siya o malas??)


pagkatapos magkwento nakita ko yung nanay maluha-luha talaga..kaso ano ba kasing magagawa ko? kundi murahin sa isip yung anak niya..tsk! grabe nga yung pagpipigil ko na sabihing wag na papag-aralin yung anak niya eh..pero siya na mismo yung nagpadali ng sitwasyon kong pigil mode..sabi niya hindi na daw niya pag-aaralin yung anak niya.. (good! sabi ko sa isip ko..haha)


bakit naman kase may mga naimbento pang ganitong klase ng anak? mabigat talaga yung dugo ko sa mga ganitong tao..hindi marunong mag-appreciate ng sufferings & sacrifices ng mga parents nila..kakaimbyerna talaga..

sabi ko nga sa dati kong post -- please love your parents guys..P L E A S E .. someday magiging parents din kayo..at masakit pag sa inyo nangyari yan..ayaw mo nman cguro makarma di ba? ;)

Monday, May 24, 2010

new word for the day.. :))

jemopalogs

short for jejemon na epal na jologs
mga nakakainis na taong nakakasalamuha mo araw-araw

j3j3m0wnzZ - putik magtext, magsalita, mgtype ng words at pumorma

epal - Magmula sa salitang "Mapapel" na tumutukoy sa taong nagpapapansin o nagmamarunong, o sa taong sumasagot ng hindi naman tinatanong, binaliktad ng mga Jeproks ang salitang "Mapapel" nung 70's dahil yun yung uso nun, at naging "Mapepal". Sa pagtagal ay nawala ang unang "p" at naging "Maepal". At nung nauso naman ang pagpapaiksi ng mga salita nung 90's ay inampon na ng mga Pilipino ang salitang "Epal" sa pang araw-araw na buhay.. (haha, from mga epal dot com)

jologs - self explanatory.. :DD

nakakaimbyerna na nga sila individually, pano pa kaya pag 3 in 1? join forces ng nakakalokang pipz..gudluck pag nakaencounter ka ng ganyan,, :DD




Saturday, May 22, 2010

iba't-ibang uri ng mga sisterettes nating gays.. :))

mga Ms. Congeniality - friend ng lahat, madaling pakisamahan, kahit sino kaya niyang pakibagayan coz she knows when to crack a joke and when to be serious.. :)

mga Echuserang Frog - syempre kung may friendly, meron ding mga echusera..grabe manglait hindi naman kagandahan!! eto yung mga insecure na paang tinubuan ng mukha..excuse me po..sabi nga, hindi po ako nanlalait, nagdedescribe lang.. :p kase naman mga feelingera eh hindi naman maganda..nakakaimbyerna..

mga Beauty Queens - hanep sa ganda, pang- beauty queen talaga..natural ang beauty nila..kaloka! mas mga mukha pang babae kesa sa 'kin.. >.< wag lang magsasalita, para wag mahalata.. :D

mga I Love You Doc - mga Echuserang Frog turned into Beauty Queens..mga biglang ganda..usually mayayaman ang mga i-love-you-docs na itech..kaya keri mag-tranformers.. :))

mga Green Clowns - eto yung mga baklang masarap kasama..hindi ka maiinip sa mga banat nila..hindi nauubusan ng kalokohan..mga tipong hindi naman nagpapatawa pero mamatay-matay kana sa kakatawa..parental guidance nga lang kase kulay berde sila.. :D

mga Wow Mali - akala ko bakla, babae pala..

mga Deniables - todo deny, obvious naman..bkit hindi na lang sila maging proud sa kung ano sila diba? kesa ipagduldulan nilang hindi sila sister, halata naman ng bonggang bongga! :DD

mga Mah Meyn - kahit anong gawin nila, ewan ko ba, pero mukha pa rin talaga silang lalaki.. :p siguro dahil malaki yung katawan nila, pang-construction workers..

mga Prof Genii - wag mo sila iismolin, hindi ka nila uurungan kung utak lang ang paglalabanan.. mga nakaka-intimidate slash nakakabilib slash nakakainspire na mga bakla..mga professionals kase sila at talaga namang hanep sa IQ level..oww meyn!! i salute you!! :)



no offense please.. i love gays, i really do.. except kay echuserang frog.. :p


Friday, May 21, 2010

para sa mga pobreng magulang na iniwan ng mga anak nila.. :c



Bakit kaya ganito ang aking kapalaran?
Hindi ko alam, saan ba ako nagkulang?
Lahat naman ay ginawa at sa iyo'y inialay
Bakit ako'y iyong iniwan at pinabayaan?

Buti pa noong ika'y inaalagaan pa lamang
Hindi ka nagagalit, walang kibo at di nagdaramdam
Buti pa dati ika'y aking nasusubaybayan
Di tulad ngayon, sabi mo wala na akong karapatan

Hindi ko man lang naramdaman ang iyong pagmamahal
Hindi man lang kita nayakap bago mo ko iwan
Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa mga kasalanan
Bigla ka na lang umalis at nang-iwan

Ngayong nalalapit na ang aking huling sandali
Hindi mo ako dinamayan pagkat iba ang iyong pinili
Huli kong hiling sana ika'y aking mayakap
Iyon lang, ay higit pa sa sapat

Salamat sa Diyos at pinagbigyan ang aking hiling
Ilang saglit bago Niya ako bawiin
Ika'y humahangos at nagdadalamhating dumating
Ramdam ko ang iyong pagsisisi at di alam ang gagawin

Ito'y sapat na para ako'y pumikit ng may ngiti sa labi
Lalo na nang sambitin mo ang "Inay mahal kita, Sorry"



please love your parents, sila lang kase yung kaya ka talagang mahalin kahit ano ka pa..sila yung magtatanggol sa'yo pag lahat sila inaaway ka,,sila yung tutulong sa'yo pag lahat ng kaibigan mo tinalikuran ka..at sila yung dadamay sa'yo pag lahat walang panahon para puntahan ka..please value them as much as you value yourself..no other love is greater than the love of our parents -- next to God syempre..wag ka sanang sumunod sa yapak ng maraming taong hindi marunong tumanaw ng utang na loob..remember, it was one of the commandments..show them your love habang nandyan pa sila..kase nga pag wala na sila, kahit ilang baldeng luha ang ialay mo sa kanya, wala na lahat kwenta yon, kahit isigaw mo magdamag yung mga katagang gustong gusto niya sanang marinig kung nabubuhay lang siya hindi na yon makakarating sa kanya, at kahit yung pinakamalaking flowershop sa Pilipinas yung bilhin mo, hindi na niya maappreciate yun..wag mong hayaang magsisi ka sa mga bagay na nagawa mo at manghinayang sa mga bagay na hindi mo nagawa para sa kanya..

kung may gusto kang gawin,,you need to do it now..baka wala ng bukas..

Godbless po.. :))

awww...i miss batangas so much .. :(

isn't he adorable?? cute nia noh?
xyempre mana sa ninang.. :p
inaanak slash pinsan ko yan..
i miss him much much..
eto yung pinakalove ko sa lahat ng inaanak ko (favoritism eh noh? sorry, i just can't deny the fact that he is indeed my most beloved :p )
halos half a year ko na siya di nakikita..dalang kasi namin umuwi ng Batangas eh..asar..



this was taken bout a year ago..
nung papunta kami sa bahay ng tita namin..
kailangan kasing maglakad ng malayo at magsuot sa magubat na daan para makapunta dun..
yeah!, sa bundok yung bahay namin sa Batangas,, :)
at pag nandun kana sa mataas na part ng lugar eh ganyan kaganda yung view..nakakawala talaga ng pagod.. :))









charan!! yan ang sinasabi kong magubat na daan.. :DD
pero masaya.. :)
buti na lang wala kaming natyempuhang ahas 0_o










eto din ay kuha nung nasa bandang taas na kami..
sarap mag-stay dyan..
lakas ng hangin.. :)
oh em gee, kakamiss talaga..








oh diba probinsyang probinsya ang dating? :))









sa harapan ng bahay namin sa Batangas.. :))











favorite food ko..ginataang tulingan..weeeeh... :)







Sigh.. i really missed the ambiance there..i simply love Batangas more! i love the scenery, the chirping birds, the fresh air, the people and everything about it..pag nandun ako, parang narereformat yung utak ko..haha..nakakarefresh kase lalo na pag galing ka sa city taz madaming iniisip..the best ang umuwi sa province para mag-unwind.. ;)

hanep.. :))




hanep talaga bumanat si pareng Jovit..i love his voice..ilang beses ko na pinanuod mga video niya pero lagi pa rin ako nangingilabot -- excuse me hndi ako natatae :p for me, he's even better kesa sa mga original versions ng mga kinakanta niya..sana lang he would maintain his humbleness kase dun siya minahal ng tao..sana din manalo siya sa PGT..he is the Batangas pride..probinsiya pa nman nmin yun..

"proud na proud ako sayo ... destiny mo ang sumikat ... --Ai Ai delas Alas"
"you are the male Charice Pempengco... -- Kris Aquino"

"you continue to amaze me .. -- boss :)) "

enigma

Drown in deep sorrow and in so much pain
In the midst of darkness, I still remain
There's no one left but an empty me in vain
Waiting my grievance will be taken away by the rain

My mind was stuck on the thoughts of you
Can't help thinking what will happen next to me and you
I'm in a deep chaos and just trying to accept what is due
For this love may not seem to last even if it's true

Fight or succumb i don't know what to choose
Afraid that in this battle we lose
But living without you is like hanging on a noose
Or like being struck by the lightning bolt of Zeus

This enigma is provoking me to yield
To put down my sword in the battlefield
To surrender my armor and even my shield
Frustration and regrets, my heart will be filled

Maybe this heart of mine was destined to suffer
Suffering a lot because there's no chance of 'us' forever
I can't go with the flow in this world of panther
Fierce, strong & cruel that without you I can't conquer


own composition.. :))

Thursday, May 20, 2010

whoa!! ang init sa Pilipinas..tae!!

hindi ko talaga maiwasang magreklamo everytime na lalabas ako!! soooobraaaaaaang ineeeeeet!! alam mo yun? kahit na nakapayong ka na tagos pa rin ung init..para ka lang nasa hell..err!! >.< tulad ng tanong ng marami -- kailan ba talaga magiging centralized ang buong Philippines?? :DD asa naman kame!! :P wish ko lang din..

Wednesday, May 19, 2010

first short story.. :))

"Hi tol!", si Garnett..

name
: Garnett Dave Rodriguez
nickname: Garnett
height : 5'8"
age
: 21
course : Civil Engineering, Senior
gender : straight guy.. :))
crush
: secret




"Oh tol!", si Nick..



name
: Sophia Nicole Zamora
nickname: Nick
height : 5'5"
age
: 20
course : Civil Engineering, Senior
gender : (boy astig according to her)
crush
: si Nerissa, ang muse ng department nila







--they were best buds.. :))

"Nakita kong dumaan si Nerissa kanina ah", sabi ni Garnett
"Talaga? San pre? bakit di mo ko tinawag? Labo naman nito oh!"
"Busy ka kase sa iba mong chicks eh!"
"May transferee kase dito sa campus. Nagpakilala lang ako."
"Hay, talaga to oh! madami ka pang chikas sa 'kin ah. kailan ka ba magiging one of them? Kung tutuusin eh mas maganda ka pa sa mga yun eh tol! Maging babae ka lang, top 1 ako sa mga applicants mo!" , sabay kindat nito kay Nick.
"Ulul! dream on tol! eeww! *with matching pilantik ng mga daliri sa ere* iwan na nga muna kita dyan. hahabulin ko lang si Neri. Bye!

kinabukasan..
"Tol tara sa canteen, treat kita!", yaya ni Nick kay Garnett
"Ahm tol, next time na lang. Mag-iinquire ako sa registrar's office eh."
"Ah, samahan na kita"
"Hindi wag na, baka mainip ka lang dun"
"Ah sige tol." 'nu nangyari dun? dati naman kahit ayaw kong sumama siya pa mismo hihila sa 'kin kung saan'


Sembreak..

--1 wik kna di pramdam ah, dka rply sa txts q..prob?txtbk-- *text ni Nick kay Garnett*
...no reply...
...tawag...
...no answer...

"Gago yun ah..nu kaya problema ng ungas na toh?", si Nick
--ui, umiiwas kba? kita tayo bks sa tmbayan. 5 pm.. hintay kita..--

teten! teten! *1 message received - read*

--may lkad aq tom,mybe some othr tym-- Garnett


* * *

Sa tambayn kinabukasan..pumunta pa din si Nick..Nagbakasakali na sisiputin siya ni Garnett..higit-kumulang dalawang oras na siyang nandon pero walang garnett na dumadating..Bagkus ay dalawang lalaking mukhang walang gagawing matino ang lumapit sa kanya..

"Hi miss beautiful!", sabi ng isa sa mga lalaki
"Gagu! Beautifulin mu mukha mo!", paangas niyang sabi.
"Angas pare ah! Tibo ka? Sa ganda mong yan?", sabat naman ng isa
"oo tanga! at hinihintay ko girlfriend ko dito kaya pwede ba umalis na kayo!"
"haha!..walang tomboy-tomboy sa 'min miss..may magagawa ka ba kung ayaw namin umalis?", nagtinginan ang mga ito at ngumising parang aso..

Lumapit ang mga ito sa kanya..napaatras siya ngunit na-corner na siya ng mga ito..bumilis ang tibok ng puso niya. Kahit papano babae pa din siya..at wala siyang laban sa dalawang lalaki. Napalinga siya sa paligid..walang tao dahil medyo tago ang tambayan nila..Hinawakan siya ng isa sa kanyang balikat, madiin..tangkang hahalikan na siya nito nang biglang..

*baaaaag!*

"Gago ka! Bitawan mo bestfriend ko kung gusto mo pa mabuhay!!", si Garnett

Napahiga sa semento ang nakasalo sa malakas na suntok na 'yon ng kanyang bestfriend..ilang sandali pang nakipagpalitan ng suntok si Garnett sa dalawang goons hanggang sa bumagsak ang mga ito sa sahig sanhi marahil ng mga suntok na natamo at idagdag pa ang kalasingan..mabilis lumapit sa kanya ang kaibigan at niyakap siya..Napayakap na rin siya dito at humagulgol ng iyak..

"Tanga ka! bakit ngayon ka lang?", sigaw ni Nick sa binata
"Shhh..Sorry na. Actually kanina pa ko dun sa likod ng poste eh"

*baaagg!*

"What the??!", gulat na daing ni Garnett
"Gago ka! Kanina ka pa nandon?! Hinayaan mo lang akong pagpyestahan ng mga lamok at muntik ng mamatay sa nerbyos dahil sa dalawang lalaking yan??!"
"Sorry na nga..may tumawag kase sa phone ko kaya dumistansya muna ko para sagutin yung tawag..mabilis namang nakasalisi tong hayop na mga to! Muntik ka pang gawan ng masama!"

*baaaagg!* isa pa uling suntok

"Ano ba?? Yan ba ang igaganti mo sa pagtulong ko sayo? Tsaka bakit ka ngayon suntok ng suntok? Bakit hindi mo pinagana yan kanina?", angil ni Garnett sa dalaga

*Umiyak naman si Nick*

"Langya ka pala eh noh?! Kasalanan mo kaya muntik na kong----", natigilan si Nick

oh em gee!! He kissed me!!

*shocked and amazed of the great feeling she felt..*

"Sophia Nicole Zamora, I'm sorry okay?" he kissed her again..
"And I love you", si Garnett pa rin..

Natulala siya..pakuwa'y naluha at yumakap kay Garnett..

"A-akala ko k-kaya kong ipagtanggol mag-isa ang sarili ko.. Akala ko matapang ako.. Akala ko kaya ko lahat..But I'm totally wrong! Ang sarap pala sa pakiramdam na may nagtatanggol sa'yo sa oras na mahina ka..Kailangan ko pala ng taong magpaparamdam sa 'kin na mahina ako pero nandyan siya para protektahan ako..Kailangan pala kita sa buhay ko Garnett!", sa garalgal na boses dahil sa pag-iyak na sabi ni Nick..

"Hay Nick! Come here.", niyakap niya ito and kissed her again..

*baaaaaagg* isang malakas na suntok nanaman

"Gago!! Mag-aadjust pa ko"

*tawanan*



--THE END--

;p

Tuesday, May 18, 2010

bago..

ayun..bago lang profile koh..na-inspire ako gumawa dhil dun sa isang blog na nabasa ko..at eto na..meron na din ako.. :DD i don't really know kung anong dpat isulat..di ko nga alam kung panu simulan.. pero sana one of these days makaisip na ko ng magandang topic para sa next post ko.. :))