hay..nakarinig nanaman ako ng mga hinaing ng mga magulang tungkol sa kanilang mga anak..
working student ako sa treasurer's office ng school namin
at ngayong araw na toh, may nagpuntang isang nanay.
pinapacheck niya kung nagbabayad ba ng Tuition Fee yung anak niya..
ayon, kinutuban na 'ko ng hindi maganda..
dahil trabaho ko yun, chineck ko nman..
tinignan ko yung registration card nung student..
awa ng Diyos, fully paid naman, binalikan ko yung nanay..
sinabi ko nga na bayad naman yung anak niya..
kaso, bago pala nagpunta samin yung nanay eh galing na siya sa Registrar's office,
dropped pala yung anak niya..
kaso ang policy ng school eh kailangan pa din bayaran yung Tuition Fee lalo na kung hindi nagpa-officially dropped at kung kalagitnaan na ng semester nag-dropped yung student..
at hindi na marerefund yung pera kung sakaling nag-cash payment..
sinabi ko yun sa nanay..
ayun, hindi kailang nanlumo yung matanda..
nakakaawa nga eh..
taz hindi niya napigilang magkwento..
>>22 yrs old na pala yung anak niya..
>>thrice na nag1st yr college
>1st course HRM -- dropped
>2nd course BSN -- dropped
>3rd course Educ -- dropped
--pero lahat fully paid..tsk! sayang yung mga ibinayad nila..imagine nawalan ng kwenta yung pinaghirapan ng parents nung walang modong anak! (di ko tuloy mapigilang mainis dun sa studyanteng yun)
>>caregiver daw si nanay
>>tagahugas ng pwet ng matatanda (that was accdg to her)
>>pero sa abot ng makakaya, pinipilit bigyan ng magandang edukasyon yung tae niyang anak (aww..huwarang ina talaga) taz ganun yung sukli? 3 times in a row na dropped?? asar lang eh!
>>tatlo daw yung anak niya, nagloko daw lahat sa pag-aaral (malas ba siya o malas??)
pagkatapos magkwento nakita ko yung nanay maluha-luha talaga..kaso ano ba kasing magagawa ko? kundi murahin sa isip yung anak niya..tsk! grabe nga yung pagpipigil ko na sabihing wag na papag-aralin yung anak niya eh..pero siya na mismo yung nagpadali ng sitwasyon kong pigil mode..sabi niya hindi na daw niya pag-aaralin yung anak niya.. (good! sabi ko sa isip ko..haha)
bakit naman kase may mga naimbento pang ganitong klase ng anak? mabigat talaga yung dugo ko sa mga ganitong tao..hindi marunong mag-appreciate ng sufferings & sacrifices ng mga parents nila..kakaimbyerna talaga..
sabi ko nga sa dati kong post -- please love your parents guys..P L E A S E .. someday magiging parents din kayo..at masakit pag sa inyo nangyari yan..ayaw mo nman cguro makarma di ba? ;)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
naiintindihan ko ang hinaing ni nanay..kasi ganyan din bunso namin.. siya na lang ang hindi nakatapos sa aming magkakapatid... ang bunso namin, twice nag 1st yr HS, twice nag 2nd yr HS, twice nag 3rd yr HS, buti nung 4th hindi niya inulit...
ReplyDeletecomes college, nag enroll sa mahal na eskwelahan, (habang may nauutangan pa ate ko sa pambayad).. december2009 n lng namin nalaman na dropped na pala xa (at ang pinambayad ng tuition niya, hanggang ngaun hinuhulug hulugan pa namin ng ate ko).
ngaung pasukan, naisipan na naman nyang mag aral.. naway tuloy tuloy na..kung ako lang ang masusunod, hindi ko na un papag aralin, para magsisi siya sa kahihinatnan at may matutunan... pero iba pa rin pagmamahal ng isang ina sa anak.. dakila... :)
taamaah!!wala tlagang papantay sa love ng mga parents lalo na ung mga nanay..pero grabe ung kapatid mo teh ah..hanep..hehe..gudluck sa studies ng kapatid mo..sana tumino na.. ;p
ReplyDelete